Mga bagay na hindi dapat gawin pagkatapos kumain


Alam naman natin na pagdating sa pagkain hindi natin mapipigilan na kumain ng marami lalong-lalo na pag may handaan tayo,pero alam niyo ba ang pagkain ng marami ay nakakasama sa ating katawan dahil sa sari-saring kinakain natin ay mahihirapang tunawin lahat ng kinain natin at diyan nag uumpisa na nagiging constipated tayo.

Itong isha-share ko sa inyo ay tungkol sa mga hindi dapat ginagawa pagkatapos kumain.Kailangan niyong basahin ito para may matutunan kayong aral.Dahil mahalaga sa buhay natin ang ating kalusugan.

1.Pagligo
     Nasanay tayo na minsan pagkatapos kumain ay naliligo tayo.Ang hindi natin alam na masama din pala ang epekto nito sa katawan natin,kaya wag muna tayong maligo pagkatapos kumain,maghintay muna tayo ng 30 minutos bago maligo.Dahil kailangan ng ating pantunaw ang enerhiya ng ating katawan at para rin makadaloy ng maayos ang ating dugo.

2.Paninigarilyo
     Ang paninigarilyo pagkatapos kumain ay nakakasama sa ating kalusugan,dahil nakakasanayan na natin pagkatapos kumain  ay manigarilyo pero ang hindi natin alam na masama pala ang magiging epekto nito sa ating katawan dahil mas mataas ang tiyansang ito ay ikamamatay mo.

3.Prutas
     Huwag po tayong kakain ng prutas pagkatapos managhalian.Kapag ikaw ay kumain ng prutas pagkatapos mong kumain wag niyo pong sanayin ang gano’ng kaugalian dahil ito’y titigil sa ating bituka kasama ng mga pagkain,kaya hindi nakakalakbay sa oras ang pagkain sa ating bituka at masama ang magiging resulta nito,kaya wag tayong kumain ng sobra.

4.Tsaa o Kape
    Sa mga mahilig mag tsaa o mag kape pagkatapos kumain,wag na wag po nating sanayin na lagi tayong nagtsa tsaa o nagkakape pagkatapos kumain dahil hindi po maganda ang maidudulot nito sa ating katawan dahil pareho itong mayroong benepisyo kung saan pag sobra din ang pag inum ay makakasama din ito sa ating kalusugan kailangan limitado o katamtam lang ang pag inum ng tsaa at kape.

5.Pagsisinturon
     Luwagan ang sinturon pagkatapos kumain totoo o hindi?Isa lang itong sinyalis na kumain ka ng madami kaysa sa kinakailangan ng ating katawan kung saan sa madaling salita ito masama,dahil hindi makakadaloy ng maigi ang pagkain sa atin bituka.

6.Pagtulog
     Huwag kang matulog agad pagkatapos kumain,masamang ideya po ang matulog pagkatapos kumain.Gumawa ka ng kahit anong aktibidad na gusto mo tulad ng panonood ng telebisyon,pakikipag-chat sa mga kaibigan at pamilya,pero wag na wag kang matulog agad pagkatapos kumain.Dahil imbis na ang katawan natin ang nagpapahinga patuloy na nagtatrabaho ang ating pantunaw.

7.Paglalakad-lakad
     Huwag maglakad-lakad agad pagkatapos mong kumain,maaari kang maglalakad pagkatapos kumain ngunit kailangan mo munang magpahinga kahit 30 minutos lang.Para ikaw ay maging malusog.

Sana maging aral ‘to sa atin para sa ikakabuti ng ating kalusugan.
 
Question:
Alin sa mga ito ang kinaugalian niyong gawin pagkatapos kumain?


please right your comment below?
     

Comments

  1. Pagkatpos kumain ng anak k pinapatulog kna masama po b ito

    ReplyDelete
  2. Pagkatapos kumain ng mangga pwede ba yminom ng tsaa.. ? Salamat po..

    ReplyDelete
  3. Nakasanayan ko lagi humiga pakatapos ko kumain

    ReplyDelete
  4. pagkatapos po kumain po ilang oras po ba ulit pwede kumain?

    ReplyDelete
  5. Ano epekto ng pag higa agad tapos kumain? Thanks

    ReplyDelete
  6. Pagkatapos kumain maligo po akošŸ˜¢

    ReplyDelete
  7. Bawal po bang humiga pagkatapos kumain?

    ReplyDelete
  8. pwede po ba maglaro ng basketball pagkatapos kumain?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I share My ideas About Your question hehe
      For me Bawal Po Talaga Mag basketball pagkatapos Kumain Kasi Nag Can cause Daw Po Yan Ng Appendix . may nangyari na Po Ng ganyan Dito SA ami

      Delete
  9. Pwede bang pamasahe matapos kumain

    ReplyDelete
  10. Nag iinat po ako pataas pag katapos kumain okay lang naman diba?

    ReplyDelete
  11. Nag iinat po ako pataas pag katapos kumain okay lang naman diba?

    ReplyDelete
  12. Ano po ba ang ipekto ,pag naligo kaagad pagkatapos kumain at sumigup ng mainit na sabaw?

    ReplyDelete
  13. Kakatapos Ko pong kumain, tapos nagtrabaho Po Agad ako. Sumakit po Tiyan Ko magdamag. Kapag Lalakad ako biglang sasakit tsaka Pag babangon Ako Sumasakit na Tiyan Ko. Anong Sakit po Meron ako?

    ReplyDelete
  14. Maka laki po ba ng tyan kapag galing nga kumain tas higa agad?

    ReplyDelete
  15. After ko Po kumain naliligo napo Ako ,masama Po ba iyon?

    ReplyDelete
  16. Ang sarap mag yosi after kumain. Bawal pala yun HAHAHA

    ReplyDelete
  17. Paano po kung pag katapos kumain nag uunat ng katawan masama poh ba yun?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

FAMOUS LINES FROM TAGALOG MOVIES

Unforgettable Pinoy Movie Titles